Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Comelec chair Abalos, misis sapul ng COVID

0 204

Positibo ang resulta ng isinagawang COVID-19 test kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. at sa asawa niyang si Corazon.

Kinumpirma ito nitong Biyernes nina Mandaluyong City Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas at City Public Information Office chief Jimmy Isidro sa ulat ng Manila Bulletin.

Hindi pa batid kung saan nahawa ng virus ang mag-asawang Abalos, na kasalukuyan nang nasa ospital.

Nagsilbing Comelec chairman si Abalos Sr., 84, mula 2002 hanggang 2007. Naging pinuno rin siya ng Metropolitan Manila Development Authority mula 2001 hanggang 2002, at mayor ng Mandaluyong City taong 1988-1998.

Samantala, magka-quarantine si Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos matapos makasalamuha ang COVID positive niyang mga biyenan. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.