Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Comelec chief Abalos, misis may virus

0 457

Kinumpirma ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr. at ang kanyang maybahay na si Ginang Cora Abalos.

Naka-isolate na aniya sa isang ospital ang mag-asawa habang naka-home quarantine naman ang alkalde at pamilya nito matapos na magkaroon ng direct exposure.

Kasabay nito, humingi ng dasal sa publiko ang pamilya Abalos para sa mabilis na paggaling ng dating Comelec chief at asawa nito.(Vick Aquino).

Leave A Reply

Your email address will not be published.