Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-cong Andaya tigok sa 1 bala

0 127

Pinaniniwalaang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili si dating Camarines Sur 1st District Congressman Rolando `Nonoy’ Andaya Jr. sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Naga City nitong Huwebes ng umaga.

Base sa inisyal na impormasyong ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsaita ng Bicol police provincial office, natagpuang wala nang buhay si Andaya, 53-anyos, dakong alas-siyete ng umaga subalit ini-report ang insidente sa pulisya dakong alas-10:20 na ng umaga.

Sa salaysay sa pulisya ni John Mark Senar, personal assistant ni Andaya, isang putok ng baril ang kanyang narinig mula sa kuwarto ng dating congressman. Pinuntahan niya ito at tumambad sa kanya ang duguang si Andaya na hindi na kumikilos at mayroong tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo.

Bukod dito ay wala ng ibinigay na ibang impormasyon ang pamilya Andaya tungkol sa pagkamatay nito na inirerespeto naman ng pulisya.

“Further, we respect the request for privacy and confidentiality of the bereaved family for the disclosure of other details as they still grieve the death of their head of the family,” pahayag ng pamunuan ng Police Regional Office 5.

Kinumpirma rin ng dalawa niyang anak na sina Ranton at Katrina ang pagpanaw ni Andaya sa pamamagitan ng Facebook page ng kanilang ama.

“With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father, former member of the House of Representatives, Rolando “Nonoy” G. Andaya, Jr., this morning, June 30, 2022. We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss. Thank you very much, Ranton & Katrina M. Andaya,” pahayag ng magkapatid sa Facebook page ng kanilang ama.

Walang binanggit kung ano ang ikinamatay ng kanilang ama.

Isang abogado si Andaya na nagsilbi bilang congressman ng 1st District ng Camarines Sur mula 1998 hanggang 2006 at muli noong 2010 hanggang 2019.

Nagsilbi rin siya bilang majority floor leader ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at naging kalihim ng Department of Budget and Management sa administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tumakbo siya sa pagka-gobernador ng Camarines Sur nitong 2022 elections subalit natalo kay Luigi Villafuerte. (Edwin Balasa/Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.