Abante Tonite Interactive

Ex-cong nadamay sa away ng mga showbiz personality

422

Matagal nang nanana­himik ang isang dating mambabatas simula nang matalo sa nakaraang halalan.

Pero ang masaklap, nadamay pa siya sa away ng mga showbiz personality.
Sa isang programa, makailang ulit na binanggit ang pangalan ni ex-congressman na siyang ugat umano ng away ng pamilya sa showbiz.

Napagtanto naman ng anchor ang pagkakamali kaya’t nag-sorry ito sa da­ting mambabatas sa pagkaladkad ng pangalan nito sa isyu.

Natawa lang ang co-anchor sa pagkakamali ng kasamahan sa kanyang trabaho.

Clue. Ang dating congressman na dinamay sa away ng pamilya sa showbiz ay guwapo pa rin kahit may edad na at may letrang T sa kanyang pa­ngalan.