Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-convict minartilyo, kinatay tainga ng magsasaka

0 261

Pinaghahanap muli ngayon ang isang dating bilanggo kasunod ng paggawa ng isa na namang krimen kung saan brutal niyang pinatay ang isang magsasaka sa Dalaguete, Cebu.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Mario Ansilay, na taga-Barangay Salug.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis si Greg Amancio, na kapitbahay at sinasabing kaibigan ng biktima.

Sinabi sa imbestigasyon na dati nang nakulong ang suspek dahil din sa kasong murder, pero kalalaya lang noong isang taon.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng Dalaguete-Philippine National Police na nag-uusap ang suspek at biktima patungkol sa kanilang mga alagang hayop nang bigla na lang hampasin ng martilyo ng nauna ang huli sa ulo.

Hindi pa nakuntento nang bumagsak at nawalan ng malay si Ansilay ay nakuha pa siyang pagbabarilin ni Amancio. Nagawa pa niyang putulin ang kaliwang tainga ng mangingisda.

Sinabi pa sa inisyal na ulat na tinangka pang putulin ng suspek ang leeg ng biktima.

Samantala, nakuha mula sa crime scene ang martilyo at mga empty shell ng .45 caliber pistol.

Patuloy namang ina­alam ang motibo sa pagpatay, habang hinahanap pa rin ang ex-convict. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.