Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-cop, 1 partner holdaper niratrat sa jeep

0 114

Patay ang isang dismiss na miyembro ng Philippine National Police (PNP) at isang miyembro ng Sputnik gang matapos pagbabarilin habang nakasakay sa pampasahero jeep sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Manila Police District ang mga biktima ma sina Felizardo Pablico, 49, at si Reynaldo Nuque Jr. y Garcia, 40 , na-dismiss na pulis.

Sa imbestigasyon, alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente. Kasasakay lang ng mga biktima sa jeep na may rutang Quiapo nang bigla umanong sumulpot ang apat na ‘di nakikilalang suspek, na sakay ng dalawang motorsiklo, sa kanang bahagi ng jeep saka pinagbabaril ang mga biktima na agad namatay.

Sa record ng pulisya, nabatid na kalalaya lamang ng dalawa sa kasong holdap nang mangyari ang insidente. Sangkot umano sila sa serye ng holdapan sa Camanava area at Bulacan.

Naaresto sila noong Nobyembre dahil sa kasong holdap at illigal possession of firearms.

Nasangkot din umano si Garcia sa pang hoholdap sa isang retiradong pulis noong Hulyo 2011 na nasawi at naging sanhi ng pagkasibak niya sa serbisyo.

Patuloy namang inaalam ang motibo ng pagpaslang sa mga biktima at ang pagkakilanlan ng mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.