Abante Tonite Interactive

Ex-cop, 2 pa bulagta sa drug ops sa Mindanao

61

Tatlo kataong dawit sa iligal na droga kabilang ang isang dati at aktibong pulis ang napatay sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Sultan Kudarat sa Min­danao noong Huwebes.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni Supt. Maximo Sebastian Jr., hepe ng anti-illegal drugs task force sa Region 12, nasawi ang tatlo matapos makipag barilan sa mga pulis na nagsisilbi ng search warrant sa mga lungga ng mga suspek.

Magkatuwang na nagsagawa ng operasyon ang puwersa ng pulisya at militar laban kina Mods Salen­dab Faisal Sidik, isang dating pulis at Toto Alamada, sa Barangay Sinakulay sa President Quirino habang armado ng search warrant nang unahan sila ng putok ng isang Solaiman Salendab Alamada.