Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-cop inutas sa Maynila

0 247

Todas sa sariling bahay ang isang dating pulis sa Malate, Maynila nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Rolando Yulo, 49, nakatira sa Balingkit Street, Barangay 712, kung saan binaril ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa mga nakasaksi, nasa ika-5 palapag si Yulo nang paslangin ito bandang alas-6 ng gabi.

Dinala si Yulo sa Manila Doctos Hospital ngunit pumanaw din kinalaunan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing krimen. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.