Abante Tonite Interactive

Ex-cop na luminya sa droga patay sa Cebu

121

Isang dismissed ­rookie police ang napatay nang manlaban sa mga tauhan ng Regional Special Operations Group habang isinisilbi ang arrest order search warrant laban sa kanya sa kanilang bahay sa Brgy. Inayagan, Naga City, Cebu.

Nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan si Dave Agcol, dating nakadestino sa Cebu Provincial Police Head­quarters at may rangong Police Office 2.

Tinanggal sa ­serbisyo si Agcol noong 2009 matapos masangkot sa iligal na droga hanggang sa maging wan­ted na ito sa mga awtoridad.

Mahigit isang ­linggo rin umanong isinailalim sa surveillance ang suspek at nang makum­pirma na positibo ito sa kanilang bahay ay saka isinagawa ang pagsisilbi ng arrest order at search warrant.

Bago pa umano ma­ka­­­porma ang mga awto­ridad ay pinaputukan na sila ni Agcol dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na nauwi sa pagkamatay nito.

Pagkatapos ng engkuwentro, dumating ang asawa ni Agcol na si PO3 Genevieve Agcol, nakatalaga sa Naga City Police Station, na nanlaban din sa mga pulis kaya nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Narekober ng pulisya ang dalawang caliber .45 revolver mula sa mag-asawa.