Abante Tonite Interactive

Ex-cop na No. 1 most wanted sumurender

12

Dahil sa puspusang pagtugis ng mga awtoridad ay napilitang sumuko ang isang dating pulis na “number 1 most wanted” sa Pampanga Highway Patrol Group at number 2 sa Gitnang Luzon pagkaraan ng may dalawang taong pagtatago.

Nabatid ng TONITE kay P/Supt. Sydney Villa­flor na sumuko noong Lunes si dating SPO1 Jose Malate Capinpin III, 40, na dating miyembro ng Police Station 4 sa lungsod na naha­harap sa kasong carnapping with homicide at dalawang kaso ng malversation of government property.

Nabatid na ang dating pulis, kasama sina ­Adrian Magat, Julius ­Quiambao at Francis Dayao, ay itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa isang Fernando Manabat noong Agosto 20, 2014.

Ayon kay Villaflor may naihain na ring mga kasong administratibo na grave misconduct at s­erious neglect of duty kontra kay Capinpin.

Si Magat naman na da­ting supervisor sa CDM security agency ay na­aresto noong Agosto 28, 2014 sa Magalang ng nasabing lalawigan kasama ang isa pang da­ting pulis na si PO2 Vic Chua dahil sa kasong illegal possession of firearms. (Jojo de Guzman)