Abante Tonite Interactive

Ex-cop tinodas sa harap ng anak

By
7

Bumulagta ang isang dating miyembro ng Quezon City Police District  (QCPD) matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in tandem sa North Fairview, Quezon City kahapon.

Sa inisyal na report kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, nakilala ang biktima na si PO1 Alfredo Tindoc y Nicesteras,  53, may-asawa, nakatira sa Lot 1 Blk. 227 Dollar St., Phase 8 , ng nasabing barangay.

Ayon kay Eleazar, si Tindoc ay nag-absent without official leave (AWOL) at huling assignment nito ay sa QCPD Holding and Administrative Office.

Nabatid na alas-11:30 ng umaga nang barilin ang biktima sa labas­ ng kanilang bahay ng riding-in-tandem na nasaksihan pa umano ng kanyang anak na si Alfred.

Narekober sa crime scene ang dalawang slugs na hindi mabatid na kalibre ng baril.

Base sa impormasyon nakalap ng imbestigador ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) mula sa mga kapitbahay ng biktima, posibleng umanong may kaugnay sa iligal na droga ang pagpatay sa ex-cop dahil ang mismong bahay umano nito ay ginagawang drug den.