Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-DBM usec lumobo ng P11M yaman

0 57

Sa loob ng limang taon sa gobyerno sa, nadagdagan ng P11 milyon ang network ni dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa negosyo at pagbenta ng ari-arian noong nagdaang taon.

Sa ikaapat na pagdinig ng Senate blue ribbon committee, inungkat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang statement of assets and statements of assets and liabilities and net worth (SALN) ni Lao.

Napasin ni Drilon na lumago ang network ni Lao sa P41M noong 2020 mula sa dating P36M noong 2019.

Kinumpirma naman ito ni Lao at sinabing bago pa siya pumasok sa gobyerno noong 2016 ay P30M na ang net worth nito.

Si Lao ay pumasok sa gobyerno bilang undersecretary sa ilalim ng Presidential Management Staff noong 2016 bago lumipat sa Housing and Land Use Regulatory Board bilang chief executive officer noong 2017.

Naging undersecretary ito ng Department of Budget and Management noong 2019 at executive director noong Enero 2020. Nagbitiw si Lao sa posisyon sa gobyerno nitong Hunyo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.