Abante Tonite Interactive

Ex-DENR Sec Gina Lopez, buhay! — ABS Foundation

730

Mariing pinabulaanan ng ABS-CBN Foundation ang umalingawngaw na balita na namayapa na ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez.

Ayon sa ABS-CBN Foundation, walang katotohanan at hindi totoo ang inilabas na balita ng Town & Country Philippines, isang lifestyle publication na sumakabilang buhay na si Lopez.

“No. Gina Lopez is still alive. “Not true. The official statement will come from us,” base sa ipi-nabas na statement ng ABS-CBN Foundation.

Magugunitang nitong nakaraang buwan lamang, makikita sa video post sa Facebook ay sinabi ni Lopez ang… “having health challenges which I have found a blessing.” Sa nasabing video ay makikitang inaawitan siya ng Christian song ni Gary Valenciano.

Kaugnay nito, napag-alaman na binura na ng naturang publication ang kanilang article kaugnay dito at hindi na makikita online.

Nabatid na una nang na-diagnosed na may ‘brain metastases’ ang nasabing environmental activist, subalit hindi ito nakitaan nang p­anghihina at sa halip ay palagi siyang nakikitang masaya at masigla. (Dolly Cabreza)