Abante Tonite Interactive

Ex-DFA sec Yasay inaresto sa kaso ng Banco Filipino

355

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant Service Section at CIDU si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. kahapon nang hapon dahil sa paglabag sa iba’t ibang banking laws sa kanyang bahay sa Makati City.

Si Yasay ay inaresto sa kanyang bahay sa bisa ng arrest warrant inilabas ni Judge Danilo Leyva, Presiding Judge of Manila Regional Trial Court Branch 10 dakong alas 3 ng hapon sa Unit 4905 Milano Residen­ces, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City sa pangu­nguna ni PLt. Glensor Vallejo, hepe ng WSS.

Nabatid na si Yasay ay inakusahan ng paglabag sa Republic Acts 8791 at 7653 o General Banking Law at New Central Bank Act, dahil sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang loan mula sa Banco Filipino Savings and Mortgages Bank.

Nabatid na ang krimen ay ginawa umano ng opisyal sa pagitan ng 2003 -2006. Gayunman, nilinaw ni Yasay, na siya ay pumasok sa bangko noong 2009
“I am not posting bail until I am brought before the judge where I will question this abuse of process and travesty of justice,” ayon kay Yasay sa kanyang post sa Facebook.

Si Yasay ay nagsilbing kalihim ng Department of Foreign Affairs mula 2016 hanggang 2017. (Juliet de Loza-Cudia/ Eileen Mencias)