Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-DICT exec: Gobyerno ginatasan sa P466M free Wi-Fi

0 209

Kumbinsido ang isang dating opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na naaksaya at nagagamit lang halos sa panonood ng Netflix ang mahigit P400 milyong kontrata ng pamahalaan para sa libreng Wi-Fi project sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay dating DICT OIC Eliseo Rio, kuwestyonable ang P466 milyong kontrata na ini-award ng gobyerno sa apat na kompanya para sa free Wi-Fi project sa mga pampublikong lugar sa loob ng limang buwan.

“What can be done in 5 months?” Para saan ang higher price, para makapanood ng Netflix?” ani Rio.

Aniya hindi dapat balikatin ng gobyerno ang bayad sa panonood ng Netflix ng dahil inilunsad ang programa para sa mga serbisyo ng pamahalaan, pakikipag-komunikasyon sa mga pamilya at usaping pang- edukasyon.

“Kung Netflix, bakit kailangan bayaran ng gobyerno? Let them pay,” giit pa ni Rio.

Samantala, niresbakan naman ni DICT Undersecretary Manny Caintic ang paratang ni Rio na overpriced ang proyekto.

“The UNDP project, we noticed, had a maximum internet rate of 2 Mbps only and a committed internet rate of only 200 kilobits per second. In today’s time this is a very very slow internet speed,” paliwanag nito.

Sa katunayan, 10 ulit umano itong mura kada Mbps kaya hindi totoo na overpriced ang kanilang programa. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.