Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-diplomat nangmanyak ng Koreana tinatalupan na

0 209

Masusi nang iniimbestigahan ng binuong komite ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang reklamong ‘sexual harassment’ ng isang Koreana laban sa dating Philippine Ambassador to South Korea.

Ayon sa DFA, kapwa nakikipaakooperasyon naman ang akusado at ang Koreana sa isinasagawang pagdinig sa agarang binuo nilang Committee on Decorum and Investigation, nang matanggap ang reklamong pangmomolestiya nitong Pebrero.

Gayunman, tumanggi pang maglabas ng pahayag ang DFA ukol sa isinasagawang imbestigasyon.

“The Department is committed to ensuring that justice is rendered in this case. It also remains committed in cultivating and preserving a work environment where all personnel are treated with respect and dignity, and free from harassment of any kind,” base sa inilabas na statement ng DFA.

Nabatid na ang pinakahuling ambassador ng Pilipinas sa South Korea ay si Noe Wong, retired military officer, nagbitiw umano ito sa kanyang posisyon noong Marso. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.