Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-DOJ Aguirre bagong Napolcom commissioner

0 80

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong puwesto sa gobyerno si dating Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II.

Inanunsiyo ng Malacañang na itinalaga si Aguirre bilang commissioner ng National Police Commission (Napolcom) na kumakatawan sa pribadong sektor.

SM food to go Banner Ad

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magagamit ni Aguirre ang naging karanasan bilang dating kalihim ng DOJ sa kanyang bagong posisyon sa Napolcom.

Matatandaang nagbitiw si Aguirre sa kanyang puwesto sa DOJ noong 2018 matapos umani ng batikos ang nabasurang kaso laban sa mga pinaghihinalaang drug lord na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Si Aguirre ay naging kaklase ni Pangulong Duterte sa San Beda Law School. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.