Abante Tonite Interactive

Ex-DOJ sec dumagdag sa kaso vs Tulfo

346

Nadagdagan ang kasong kinakaharap ni China envoy at columnist Ramon Tulfo, matapos na magsampa na rin ng libel si dating Justice secretary Vitaliano Aguirre dahil sa umano’y mga malisyoso at nakakasirang mga column sa isang pahayagan patungkol sa kanya noong Abril ngayong taon.

Kasama ring kinasuhan ng cyberlibel sa Manila Prosecutor’s Office ang presidente at CEO ng Manila Times na si Dante Ang, mga editor ng paha­yagan at dalawang informants umano ni Tulfo na pinangalanan lamang na John at Peter Doe.

Si Aguirre ay humihingi ng P150 milyong mo­ral damages, at mahigit P50 milyon sa exemplary fees at attorney’s fees sa mga kinasuhan.

Ang kaso ay bunsod ng serye ng mga column na lumabas sa print at online version noong Abril 11, kung saan ay binansagan si Aguirre bilang protektor ng human trafficking syndicate sa Ninoy Aquino International Airport at umano’y nag-issue ng circular na inalisan ng power si Immigration Commissioner Jaime Morente para mag-assign at reassign ng mga bureau personnel.

“Perusal of the articles and the online posts would readily show that respondent Tulfo defamed and discredited my honor and integrity by imputing that I was corrupt when I was still Justice Secretary, a protector of a syndicate, a land grabber, a criminal and involved in illegal activities during and after my stint as Justice secretary,” ayon pa sa dating Justice secretary.