Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-DOTC Sec Abaya, 9 pa absuwelto sa P4.5B MRT scandal

0 67

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay dating Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at 9 na iba pa kaugnay sa P4.5 billion maintenance deal ng MRT-3 sa South Korean firm na Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Sa 51 pahinang desisyon ng Ombudsman ay binaligtad nito ang kanilang nauna nang desisyon na may petsang Hunyo 28, na nag-aatas na kasuhan ng graft ang mga opisyal DOTC.

SM food to go Banner Ad

Sa pagbaligtad ng desisyon ay kinatigan ng Ombudsman ang naging argumento ng mga respondent na ang BURI ay napagmulta na sa kanilang naging pagpapabaya at hindi pagsunud sa kasununduan, ang multa umano ay ibinawas na sa ibinayad sa kanila kabilang na din ang multa sa pre-termination ng kontrata.

Maliban kay Abaya ay abwelto na din sa kaso ang mga dating Transportation officials na sina Undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco at Catherine Jennifer Gonzales; dating MRT3 general manager Roman Buenafe; dating Assistant Secretary Camille Alcaraz; MRT3 Bids and Awards Committee (BAC) vice chairperson Ofelia Astrera, Atty Charissa Eloisa Opulencia, Engineering Division chief Oscar Bongon at Engineer Jose Rodante Sabayle.

Samantala pinagtibay din ng Ombudsman ang nauna na nitong ginawang pagbasura sa kasong graft, plunder at paglabag sa procurement law laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration na sina Manuel Roxas, Florencio Abad, Cesar Purisima, Jericho Petilla, Mario Montejo, Voltaire Gazmin, Rogelio Singson, Arsenio Baliscan, Maria Cecila Natividad, Chae-Gue Shum, William dela Cruz, Eugene Rapanut at Mario dela Cruz na may kaugnayan din sa palpak na MRT3 maintenance deal. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.