Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-dyowa ng biyenan ni Robin timbog sa estafa, carnap

0 124

Dahil sa pagwawala, inaresto ng mga awtoridad ang umano’y dating lover ng ina ng sikat na host/actress na si Mariel Rodriguez, na biyenan naman ng beteranong actor na si Robin Padilla sa BF Homes, Paranaque City, nitong Linggo.

Sa inisyal na report ng BF Homes Police Sub-Station 5, si Baldwin Brent Cruto Co, ay ipinaaresto ng sinasabing dating live-in partner na si April Sazon Ihata, ina ng aktres na si Mariel matapos manggulo sa loob ng kanyang tahanan sa No. 292 El Grande St., BF Homes sa lungsod.

Nabatid na si Co ay may mga ‘standing warrant’ sa kasong carnapping at estafa.

Ayon sa pulisya, nagpasaklolo umano si April sa mga tanod ng barangay matapos magwala ang suspek nang tumanggi siyang sumama matapos ang ilang oras nilang pag-uusap.

Agad namang binitbit si Co sa himpilan ng pulisya at doon ay nakuhanan siya ng marijuana, .45 baril at mga bala. (Dolly B. Cabreza/Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.