Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-dyowa sinunog sa selos

0 304

Sinunog ng buhay sa loob ng bahay ang isang 29-anyos na babae ng kanyang dating kinakasama, Lunes ng gabi sa Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, Talisay City, Cebu.

Kinilala ang nasawing biktima na si Baby Mae Agner, 29, residente ng nasabing lugar, na halos sunog ang buong katawan nang makuha ng awtoridad sa loob ng nasunog na bahay.

Nagtamo naman ng second degree burn ang suspek na si Dondon Labora, ex ng biktima na ngayon ay bantay sarado ng pulisya sa pinagsugurang ospital.

Sa ulat ng Talisay City Police, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi nang sumunod ang suspek sa bahay ng biktima sa Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, matapos malamang ipinagpalit sa isang Jay Demana. Nagsasama na sa bahay si Agner at Demana kasama ang 11-anyos na anak ng babae.

Natutulog sina Agner at Demana nang bigla na lang saksakin ng dalawang beses ng suspek ang biktima.

Naagaw ni Demana ang patalim sa suspek at nagpambuno ang mga ito hanggang sa makakuha ng pagkakataon si Demana ay agad itong lumabas sa silid kasama ang 11-anyos na anak ng biktima.

Ilang saglit lang ay nagliyab na ang bahay ng biktima at nakita pa ng ilang kapitbahay ang paglabas ng suspek na tumatakbong nagliliyab ang katawan.

Hindi na nakuha pang saklolohan ang biktima sa loob ng bahay dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy kung saan tatlong kabahayan pa ang natupok. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.