Abante Tonite Interactive

Ex-EB Babe Maine bubuyangyang sa BNaked

700

Walang arte ang dating member ng EB Babes na si Maine Eugenio. Seryoso na ang laban niya sa BNaked: The Quest for the Sexiest Runway Model.

Candidate number 1 siya. May sukat na 34-26-36. 5’6” ang height ni Maine. Pagsasayaw ang kanyang forte.

Naniniwala siya sa kasabihang “If it’s meant to be, it will be.”

Handog ng Mr. P Entertainment ang year 2 ng BNaked. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Joane Laygo.

Gaganapin ito sa October 20, 8 PM sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, QC.

Napatunayan ni Maine na hindi bastusin ang nasabing ultimate underwear, lingerie, t-back showdown. Bukod dito, malaki ang premyong mapapanalunan.

Ang tema ng BNaked ay kung paano maging fit, healthy, sexy, famous, confident at free sa mga sakit.

Special guests sina Jake Cuenca, Eisel Serrano at Klarisse de Guzman. Ang host ay sina Carlos Agassi at Ali Forbes.

Mabibili ang tiket sa ticketnet (9115555). (Roldan Castro)