Abante Tonite Interactive

Ex-girlfriend ni Chris Brown buntis

347

Buntis ang ex-girlfriend ni Chris Brown na si Ammika Harris. Siya umano ang ama.

Baby Boy umano ang ikalawang anak ng rapper. Ang panganay niya ay ang 5 taong gulang na si Royalty sa dating girlfriend na si Nia Guzman.

Samantala, bagama’t hiwalay na sila ni Ammika ay tuloy pa rin ang pagsuporta niya rito.

Ayon sa source ng TMZ, masaya ang kanyang ex-girlfriend sa pagtrato nito sa kanya. Suportado raw ng rapper sa pinansyal, medikal at maging sa emosyonal.

Kumalat ang balita na buntis umano si Ammika noong June. Pero suspetsa ng mga fan ay buntis na ito noon pang buwan ng Mayo. Ito’y matapos mag-komento ni Chris sa larawan ni Harris ng “BM Bad” na ang ibig sabihin ay “Baby Mama”. (Ronaline Avecilla)