Abante Tonite Interactive

Ex-gov’t official may tagong yaman

0 433

Sino daw itong dating opisyal ng gobyerno ang pinapalabas lang na siya ay mahirap subalit nakatira pala sa isang high end condominium?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na ang sira-sirang bahay ni ex-government official ay front lang para masabing hindi siya nagpayaman sa puwesto.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, naninirahan itong dating opisyal sa condominium unit na pawang mga alta sosyedad lamang ang naninirahan.

Dito raw kasi tinitira este pinatira ni mokong ang tisay na kanyang kinakasama dahil ayaw nitong manirahan sa front na bahay ng dating opisyal.

Malaki-laki daw kasi ang naipon ng dating opisyal mula sa pangungurakot sa dating puwesto nito sa gobyerno as in naka-boundary na ito at kahit hindi magtrabaho ay mabubuhay na ang kanyang pamilya.

Pintahan nyo na. Ang dating opisyal ng gobyerno na may tagong yaman ay dating kalaban ng gobyerno. May letrang N sa kanyang pangalan.