Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Health chief kay Duterte: Huwag puro joke

0 300

Hinimok ni dating Health Secretary Esperanza Cabral si Pangulong Rodrigo Duterte na maging seryoso sa mga sasabihin dahil hindi batid ng publiko kung biro lang ang mga sinasambit nito.

Ito’y matapos na sabihin ni Duterte na hugasan lang ang mga face mask gamit ang gasoline o diesel para makaiwas sa virus, na dinipensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbibiro lang ang Pangulo.

“We know that the President is very popular especially among the masses at this point so everything he says can be taken seriously by these people. The public does not know when he is joking and when he is not…so he really needs to be more serious about the things that he tells the public,” sabi ni Cabral sa panayam sa telebisyon.

Aniya pa, posibleng mapahamak ang iba kapag naniwala sa mga biro ng Pangulo.

Inihalintulad ni Cabral si Pangulong Duterte kay US President Donald Trump na binatikos din matapos sabihing ang pag-inject ng disinfectant ay mabisa laban sa COVID-19. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.