Abante Tonite Interactive

Ex-Iloilo Cong Syjuco pumanaw na

0 273

Pumanaw na nitong Lunes si da­ting Iloilo Cong. Augusto ‘Boboy’ Syjuco Jr. sa edad na 77.

Nakalathala sa Facebook page ng regional broadsheet na Panay News ang paglisan sa mundo ni Syjuco nitong Lunes nang tanghali.

Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagpanaw ng da­ting kongresista na nagsilbi ring director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Base sa ilang mapagkakatiwalaang source ng Tonite, pumanaw si Syjuco sa bansang Singapore habang ipinapagamot ang karamdamang matagal na niyang iniinda.

Agaran din umanong pina-cremate ng pamilya Syjuco ang mga labi ng dating mambabatas sa nasabing bansa matapos itong pumanaw.

Nagsilbi si Syjuco bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Iloilo mula 1998 hanggang 2004, at mula 2010 hanggang 2013.

Noong nakaraang Agosto, na-convict sa kasong fraud sa Sandiganba­yan si Syjuco matapos nitong aminin ang pagkakasala sa P4.3 milyong cash grant sa Department of Agriculture gamit ang kanyang pork barrel funds noong siya’y isa pang kongresista. (JC Cahinhinan)