Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-justice natagpuang naaagnas

0 303

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang nawawalang si retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Normandie Pizarro ang natagpuang bangkay noong Oktubre 25, 2020 sa isang bakanteng lote sa Tarlac.

Ayon kay NBI OIC Director Eric Distor, hindi kaagad nakilala at kinailangan na magsagawa pa ng DNA examination sa bangkay dahil putol ang mga daliri nito at nawawala ang isa pang kamay.

“Our DNA test results showed that the cadaver recovered in Tarlac are the remains of retired CA Justice Normandie Pizarro. Dental evidence gathered by our forensic team matched with the dental records of the former member of the CA,” pahayag ni Distor.

Lumalabas din aniya sa inisyal na imbestigasyon na brutal na pinaslang sa Tarlac si Pizarro pitong araw bago pa natagpuan ang bangkay nito noong Oktubre 30.

Huli umanong nakita sa Pampanga si Pizarro noong Oktubre 23 at pagkatapos nito ay iniulat na ng kanyang mga kaanak na nawawala ang dating mahistrado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid kay Distor na unang natagpuan ang sasakyan ng biktima na may mga bahid ng dugo.

Mahigit dalawang buwan bago nakumpirma ng NBI na si Pizarro ang natagpuang bangkay.

Inihayag naman ni NBI spokesman Atty. Ferdinand Lavin na patuloy pang iniimbestigahan ang kaso ng pagpaslang kay Pizarro.

May tatlong person of interest umano ang kanilang kinakausap sa ngayon ukol sa brutal na pagpatay kay Pizarro.

Si Pizarro noon ang nagbasura sa mga kasong inihain laban sa tinaguriang master mind ng pork barrel scam na si Janet Napoles at kasong murder kay dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng pamamaslang sa broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega. (Juliet de Loza-Cudia/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.