Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-kapitan, 2 pa minasaker ng mag-utol

0 74

Patay ang tatlong kalalakihan kabilang ang isang dating kapitan ng barangay habang sugatan ang dalawa pa matapos na ang masayang inuman ng mga ito ay ratratin dalawang pamangkin ng isang napatay na wanted person sa Tiaong, Quezon, Huwebes ng gabi.

Dead on arrival na sa ospital sa San Juan, Batangas sina dating barangay chairman Richard Nitro, Selvino Macaraig at Jay Ar Javillo, taga-Barangay Del Rosario at Barangay Cabay sa Tiaong sanhi ng tinamong mga bala sa katawan. Sugatan naman sina Rico Macaraig at Meliton Hernandez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng Tiaong police, ika-7:00 ng gabi, masayang nag-iinuman ang grupo sa loob ng isang karinderia sa Barangay del Rosario nang bigla na lang dumating ang dalawang suspek na armado ng armalite rifle at kalibre .45 baril at walang sabi-sabing niratrat ang grupo sabay takas.

Ayon kay PLTCOL Dennis De Leon, hepe ng Tiaong police, nakilala ng mga testigo at ng dalawang nabuhay na biktima ang mga suspek na magkapatid na sina Jaime Punzalan Jr., 24, at Jhayven Punzalan, 26, kapwa taga-Barangay Del Rosario. Ang dalawa ay pamangkin ng most wanted criminal na si Alvin Punzalan na nasawi nang makipabarilan sa mga aarestong pulis sa nasabi ring barangay nitong September 18.

Ayon kay de Leon, ang mga biktima ang pinagbibintangan ng dalawang suspek na umano ay nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaya natukoy ang pinagtataguan ng napaslang nilang tiyo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.