Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-konsehal, 3 pa buking sa 1M shabu

0 79

Pinosasan ng Cavite Police ang dating municipal councilor ng Lanao del Sur at tatlong kasama nito habang mahigit P1 milyong halaga ng shabu umano ang narekober sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng gabi.

Kinilala ang dating municipal councilor na si Haifa Hadjiasis, 50, ng Barangay Burol Main; Jabar Macalanggan, 27, ng Barangay Burol Main; Mila Sultan, 50, ng Barangay Datu Esmael; at Esmael Dimasar, 18, ng Barangay Datu Esmael.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni P/SMSgt. Roberto Lacasa ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi, nang magsagawa ng buy-bust ang mga ahente ng PDEA Cavite at Dasmariñas CPS sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Narekober umano mula sa apat ang tinatayang 100 gramo ng shabu na may street value na P1,020,000, digital weighing scale, blue na pouch na pinaglagyan ng hinihinalang shabu, marked money at isang puting Toyota HiAce na ginagamit umano sa pagdedeliber ng droga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.