Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-konsehal, misis nilikida

0 247

Patay ang dating municipal councilor habang sugatan ang kanyang asawa at kapatid nito sa naganap na pananambang Linggo ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Montacier Singcoy, 41, dating municipal councilor Malapatan, Saranggani province. Ito ay agarang namatay dahil sa tinamong bala sa ulo at katawan mula sa kalibre .45 baril.

Ginagamot naman sa ospital ang misis nitong si Akiba Singcoy, 43, na nagtamo ng bala sa hita, at kapatid na si Aldrin, 18, na nabaril naman sa sikmura. Suwerteng hindi nasugatan ang isa pang sakay na si Rolando Flores, 44-anyos.

Sa ulat ni Police Major Yol Hulado, hepe ng General Santos City police station 3, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa Purok San Jose, Barangay Balauan.

Lulan ng pick-up track ang mga biktima na minamaneho ni Singcoy pauwi na nang pagsapit sa nasabing lugar ay ratratin sila ng tatlong armadong kalalakihan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasapul agad sa unang bugso ng bala Singcoy dahilan upang mawalan na ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang bahay.

Hindi pa nakuntento, nilapitan pa ng mga suspek si Singcoy at muling pinagbabaril.

Isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang asawa nito at kapatid na sugatan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo at sa pagkakakilanlan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.