Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-konsehal sinunog ng 3 kawatan

0 192

Tinutugis ngayon ang tatlong kalalakihan na suspek sa pagpatay, pagnanakaw at pagsusunog pa sa bahay ng 63-anyos na dating konsehal sa Maragondon, Cavite.

Kasong arson at robbery with homicide ang kinakaharap ng mga suspek na sina Marvin Madugay Rosales; Mark Kevin Decin; at Arnold Lacanas dahil sa pagpatay kay Raulito Aquino, residente ng Brgy. Bucal 2, Maragondon, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente noong Agosto 16 ng madaling-araw sa rest house ng biktima sa Brgy. Bucal 1, Maragondon, Cavite kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima na sunog na sunog sa loob. Sa salaysay ng kamag-anak ng biktima, bago nangyari ang pagkasunog ng bahay, tumuwag pa umano sa kanila ang ama na doon matutulog dahil masama ang pakiramdam.

Ayon sa pulisya, ang tatlong suspek ang inupahan ng biktima na gumawa ng kulungan ng manok sa rest house at hindi pa sila lumulutang simula nang mangyari ang pagpatay. Nawawala rin ang mga gamit at alahas ng biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.