Abante Tonite Interactive

Ex-Leyte mayor kinasuhan ng korapsiyon

309

Sinampahan ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang da­ting mayor ng Carigara, Leyte dahil sa umano’y maanomalyang pag apruba nito sa P5.4 milyong bayad sa isang hardware company kahit hindi naman na-ideliver ang construction supply para sa proyektong patubig ng lungsod.

Isang bilang ng paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practice Act ang ikinaso laban kay dating Mayor Anlie Apostol.

Sa record, inapruba­han umano ni Apostol ang pagbayad sa New Leyte Ever Hardware Co. Inc. para sa mga mater­yales na gagamitin sa Small Water Impounding Pro­ject sa mga barangay ng Binibihan, San Isidro, at Paglaum bilang bahagi ng rehabilitation project noong 2010.

Inatasan umano ni Apostol ang noon ay si Municipal Chief Administrative Officer na si Crescente Precia na pumirma ng acceptance and inspection report bilang patunay na nabayaran nila ang hardware company at nai-deliver ang mga materyales kahit hindi naman ito duma­ting. Inirekomenda ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kala­yaan ng akusado.