Abante Tonite Interactive

Ex-Masbate mayor 20 taon kulong sa pandarambong

0 137

Pinatawan ng 20 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division ang dating alkalde ng Masbate matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation of pubic funds sa iligal na paggastos ng P26.5 milyong public fund.

Sa 29-pahinang desisyon ng graft court, napatunayang guilty si Milagros Masbate Mayor Bernardito Abapo, bukod sa pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon ay diskuwalipikado na ito na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at pinababalik sa kanya ang P26.5 milyon na pondo ng bayan.

Naging batayan ng Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kaso ang kabiguan ni Abapo na ipaliwanag kung saan at paano nagastos ang P26.5 cash advance nito sa kabila ng makailang beses na demand letter ng Commission on Audit (COA).

“In this case, there is no doubt that accused Abapo failed to overcome this prima facie evidence of guilt. He failed to explain why despite a considerable period of time, his cash advances remained to be unliquidated much less, to restitute the amount upon demand,” nakasaad sa desisyon.

Bilang depensa, sinabi ni Abapo na nagawa niyang i-liquidate ang nasabing cash advance subalit ang kanyang ginawang report ay hindi pala umabot sa Office of the Treasurer matapos na mamatay ang kanilang municipal administrator.

Hindi naman kinatigan ng Sandiganbayan ang alibi ni Abapo at sinabing bilang public official ay tungkulin nito na mayroon syang mga kopya ng mga liquidation papers.

“Verily, he is considered as an accountable officer of the public funds extended to him, logic dictates that he should have kept track of the liquidation if there was any, since the money extended to him are public funds and are property of the people and must be used prudently at all times with a view to prevent dissipation and wastage,” ayon pa sa Sandiganbayan. (Tina Mendoza)