Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-mayor Sanchez may sintomas ng COVID

0 77

Inilagay sa isolation area si convicted rapist-murderer Antonio Sanchez matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19, ayon sa Bureau of Corrections.

Ayon sa tagapagsalitaa ni Bureau of Corrections Gabriel Chaclag, dadalhin sana siya kalapit na Ospital ng Muntinlupa ngunit tinanggihan ito dahil wala nang bakanteng kuwarto.

Nakatakda umanong ilipat sa Philippine General Hospital si Sanchez para maeksaming mabuti.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Usec. Mark Perete, si Sanchez ay in-admit noong Lunes sa New Bilibid Prison (NBP) Hospital at na- diagnose na may electrolyte imbalance secondary to acute gastro enteritis, chronic kidney disease, hypertension, benign prostatic hypertrophy.

Nabatid na isinailalim na rin ito sa swab test.

“Oo na-test ‘yun, awaiting swab test result pero probable COVID ‘yun,” pahayag naman ni Chaclag sa panayam ng TeleRadyo. (Juliet de Loza-Cudia/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.