Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Mayor Sanchez nilipat ng ospital

0 63

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Maynila ang convicted rapist-killer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez para isailalim sa masusing eksaminasyon ang sakit nito.

Nabatid na sasailalim sa sputum exam si Sanchez para ma-detect kung anong uri ng bacteria o fungi umano ang sanhi ng impeksyon sa baga nito.

“On Friday night, PDL [person deprived of liberty] Sanchez was transferred to the JRMMC for referral to nephrologist and sputum exam. The transfer was made through coordination done by One Hospital Command Center of the DOH (Department of Health). Patient PDL has multiple electrolyte imbalance, CKD Stage V, pulmonary Tuberculosis-bilateral, S/P CVA with no residuals,” ayon sa Facebook post ng BuCor.

Pahayag pa ng BuCor na minomonitor ng mga medical staff ng New Bilibid Prison (NBP) ang kalagayan ni Sanchez sa JRMMC.

Hinatulan ng pagkabilanggo si Sanchez noong 1995 dahil sa mga kasong rape at pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.