Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-NBI staff promotor ng pekeng COVID test kit

0 362

Ni Nancy Carvajal

Sasampahan ng iba’t ibang kaso ng National Bureau of Investigation ang dati nilang kasapi sa security personnel dahil sa paggamit nito ng luma niyang mga tsapa at ID sa iligal na gawain partikular na sa bentahan ng pekeng COVID test kit, ayon na rin sa isang opisyal ng NBI.

Ang suspek na si Garry D. Paradero, dating security personnel ng NBI ay nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes kabilang ang siyam na iba pa sa Quezon City

matapos mabuking na nangunguna ito sa bentahan ng mga pekeng COVID test kit at mga medical supply.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, si Paradero ay hindi na konektado sa NBI Security Management System mula pa noong 2016.
“We are filing cases against him and we will ensure that he gets the just penalty for besmirching the reputation of the bureau and the hardworking men and women here,’’ diin ni Distor.
Tiniyak ng NBI director na si Paradero ay mahaharap sa mga kaso dahil sa iligal nitong paggamit ng NBI insignia at badge gayundin ang pamemeke.

Nasabat sa pag-iingat ng dating NBI personnel ang NBI ID na nag-expire na noong 2016 bilang miyembro ng Security Management System ng ahensya gayundin ang 3 badge ng NBI.

Sa ilalim ng batas, ang iligal na paggamit ng insignia ay nahaharap sa parusang prison mayor at pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Paalala ni Distor, ang pagsasampa ng magkakahiwalay na kaso laban kay Paradero ay silbi na ring babala sa lahat ng dating tauhan na magtatangkang gamitin ang dati nilang kapangyarihan.

“I urged you not to misrepresent yourself, because when you are caught we will make sure that charges will be filed against you,” babala nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.