Abante Tonite Interactive

Ex ng aktres bugaw ng `Russian dolls’

0 416

Hawak umano ng isang politiko at maimpluwensyang negosyante ang mga nahuling dayuhang babaeng entertainer na kinabibilangan ng siyam na Russian national sa isang bar sa Malate, Maynila kamakailan.

Mismong ang opisyal ng Manila Police District (MPD) ang nagsabing ‘untouchable’ ‘di umano ang may-ari ng bar na hindi naman pinangalan at ngayon ay hindi na mahagilap.

Malakas ang bulong-bulungan na ang mga nahuling `Russian dolls’ ay protektado ng isang maimpluwensiyang negosyante na minsan na rin nasangkot sa iskandalo at isang lokal na politiko sa labas ng Metro Manila.

‘Di umano, pang-high end customers ang mga dayuhang GRO na kayang magbayad ng malaki-laking halaga dahil magaganda ang mga ito, at parang ‘Barbie’ batay sa deskripsiyon ng isang miron.

Magugunita na sinalakay noong nakaraang Agosto ang isang kilalang Malate bar sa Adriatico kung saan nabingwit ang ang mga Russian beauties kasama ang isa pang Kazakhstan national na pawang mga walang working visa.

Sinampahan na ang mga ito ng kasong paglabag sa Article H, Section 98 (Professional Occupation Tax) at Article E, Section 138 ( Health Certificate) in connection of Section 199 ng 2013 Omnibus Revenue Code of the City of Manila.

Kakasuhan din ang may-ari ng bar. Agad na inutos noon ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapasara ng Sha-sha bar.

Ayon pa sa source na kilala sa showbiz ang nasabing maimpluwensyang negosyante na nagkaroon ng kaugnayan sa isang aktres. Malakas umano ang kapit nito dahil kasosyo ang lokal na opisyal sa labas ng Metro Manila.