Abante Tonite Interactive

Ex ni Ariana sinalo ni Kate Beckinsale

244

Maugong na pinag-uusapan na mukhang finally ay nakapag-move on na si Pete Davidson sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Ariana Grande. Nakita ang 25 years old comedian na ka-holding hands ang 45-year-old actress na si Kate Beckinsale isang madaling-araw nang Sabado habang palabas ng Lago Bar sa Los Angeles.

Pilit na itinatago ng dalawa na may namamagitan na sa kanila na nagsimula pagkatapos ng Golden Globes kung saan nagsimula ang closeness nila at ngayon ay halos ‘di na sila mapaghiwalay.

Marami ang nakakita sa paghaharutan nina Kate at Pete habang magkadikit na nakaupo. ‘Yung kamay ng aktres ay nakapatong sa tuhod ng komedyante habang enjoy na enjoy sila sa pag-uusap.

Nasundan pa ang ganitong eksena ng dalawa nang dumalo sila sa InStyle party kung saan palaging nakabuntot ang British aktres sa binatang komed­yante. Ayaw ring makipag-usap sa iba dahil nakatutok siya kay Pete. Marami rin ang nakakita sa aktres na dumiretso sa Monica hotel na tinutuluyan ni Pete pagkatapos mag-show ng kanyang ­rumored boyfriend.

Ayon mismo sa mga taong nakaka­kilala kay Kate ay ang tipong lalaki talaga na gaya ni Pete ang kanyang ideal man. Iyong lalaking magpapasaya at palagi siyang napapatawa.

Samantala, masaya ang mga tagahanga ng aktres na makitang bumalik na ang maganda niyang kalusugan. Magaling na siya pagkatapos niyang maisugod sa hospital dahil sa ruptured ovarian cyst.

Nagsimulang maging close sina Kate at Pete nito lang buwan ng January sa Golden Globes after party.

In fairness, itong relasyon nila ni Kate ang kauna-unahang relasyon ni Pete pagkatapos ng halos limang buwan nilang relasyon ni Ariana. Buwan ng Oktubre nang finally ay tuldukan na nila ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Masaya na ngayon ang batang ko­medyante na kasama si Kate.

Hindi talaga hadlang ang edad sa dalawang taong nagmamahalan.