Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni Catriona dinisplay ang seksing babae

0 374

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na muling lumutang ang isyu kina Clint Bondad at ng Thai transwoman billionaire na si Anne Jakrajutatip tungkol sa pasabog na show nila, muli na namang pinag-uusapan ang Fil-German actor sa kanyang bagong paskil sa kanyang IG account.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang post ng larawan ng isang seksing babaeng hindi kita ang mukha na may caption na “My Mama Mia [heart emoji]”

Sinundan pa ito ng post ng naka-topless na selfie ni Clint kasama ang isang babaeng nakasuot ng seksing puting damit pero hindi aninag ang mukha.

Caption ni Clint: “Young Zeus & Goddess Hera Our kids will have Olympic God Names.”

Makahulugan ang mga salitang ginamit ni Clint dahil sina Zeus at Hera ay mag-asawang diyos at diyosang kilala sa Greek mythology.

SM food to go Banner Ad

Sa comments section, may mga nagtanong sa kaugnayan ni Clint sa mystery girl.

Hindi man diretsahang sinagot ni Clint ang estado ng kanilang relasyon, sinabi naman niyang matagal na niya itong kakilala.

Pang-uurirat pa ng isa, saan daw ito nakilala ni Clint.

Ani Clint: “International one”

Kaugnay na tanong ng isa, “Is she you gf?”

Sagot ni Clint: “my Domina,” na ibig sabihin ay isa itong babaeng iginagalang niya dahil mataas ang posisyon sa lipunan.

Sa mga sagot na ito ni Clint, maraming netizen ang naniniwalang may ipinalit na siya kay Cat at tulad ng kanyang pag-amin, naka-move on na siya sa hiwalayan ng kanyang ex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.