Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni Catriona inalaska si Sandra

0 26,825

NI: VINIA VIVAR

Nakisali na rin ang ex-boyfriend ni Catriona Gray sa Miss Universe Philippines controversy na sinimulan ng kandidatang si Sandra Lemonon (Miss Taguig).

Actually, ang mga netizen ang nag-drag din sa name ni Clint dahil may mga nagkomento na ginagaya umano ni Sandra ang ex-bf ni Catriona.

Matatandaan kasing nag-post din dati si Clint na may pasasabugin tungkol kay Catriona at sa new boyfriend nitong si Sam Milby. Ang dami ring naghintay sa pasabog pero in the end ay wala namang naganap.

Just like Clint ay nag-post din si Sandra matapos ang coronation night ng MUP na may pasasabugin na hanggang ngayon nga ay wala pa rin.

Tila nakarating kay Clint ang mga komento ng netizen na ginagaya siya ni Sandra kaya nagbigay siya ng mensahe sa dalaga sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

Ipinost ni Clint ang screenshot ng post ni Sandra na sinasagot nito si Catriona ng “get your tea.”
Sa caption, ani Clint, “Sandra at least be original.”

Winner di ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.