Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni DJ Loonyo umapela sa MPK

0 611

Umatake ang dating dancer, online personality na si Toni Fowler kay DJ Loonyo.

Si Toni ay kaibigan ng ex ni Dj na si Aika Flores.

Sumegunda siya sa pambabaliktad umano ni DJ Loonyo sa ‘Magpakailanman’. Kamakailan ay pumutak si Aika sa kanyang Facebook account.

Lahad ni Toni, “Small world no? Tropa ko nga pala yung nabuntis mo at hindi mo pinanindigan. Brad saksi ako sa pag hihirap ng tao. Mag ka grupo kami dati sa channel 4. Nung panahon na merong kayo. Mula ng nabuntis siya puro iyak dahil koopal ka. Kaya nung nakilala ka? Natatawa nalang kami at least naabot mo pangarap mo magpasikat kahit marami kang bagay na hindi abot dahil bansot ka.

“Saksi ako na yung babaeng binuntis mo sumasayaw at nagiipit ng tyan para lang kumita ng pera. 500 pesos lang TF (talent fee) namin non per day! Ganon ka kritikal yun brad with rehearsal pa bago mag show! Wag mong baliktarin ang storya! Makikiepal ako kasi nanay din ako. At tulad nga ng sabi ko SAKSI ako sa stress nya sayo.”

Hirit pa niya: “ Kung may awa ka pa kay Aika at sa anak nyong nananamihimik na sa langit wag ka ng mambaliktad brad! Ang tagal nyang nadepress sa nangyari sakanya. Tapos ikaw papeymous peymous lang? Urur! Para lang alam mo mga dancer na kilala buong pagkatao mo tinatawanan ka lang urur! Ni wala ka sa kalingkingan ni Mannex! Paturo ka sakanya ulit para hindi paulit ulit steps mo .”

Samantala humingi ng tawad si DJ Loonyo kung meron nasaktan, na-offend sa kuwento niya sa Magpakailanman. Ito’y sa pamamagitan ng statement ng kanyang management.

“First and foremost, DJ Loonyo conducted an interview to share intimate and publicly unknown details about his life for the coverage, with the request to omit or leave out some sensitive parts, particularly pertaining to his son.

“We, as a management and team, signed a contract allowing the program to enhance certain aspects of his life, because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling.”

“On behalf of Rhemuel or DJ Loonyo, we would like to sincerely apologize to the individuals or their families who were offended by the retelling of his life story. We genuinely mean no offense, nor wish any ill or harm on anyone, most of all that of his son.”

Samantala, umapela rin si Aika sa ‘Magpakailanman’ sa pamamagitang ng Facebook post.

“Para po sa #magpakailanman

“Sana po know the two sides of the story first and foremost bago i air. You should have atleast contacted me to inform me na may gantong istorya na lalabas tungkol samen ng anak ko. kung di ako nagreact dito sirang sira image ko. TRUE STORY po diba? bigay natin yung totoo sa mga manunuod at sa mga taong sumusuportat nagtitiwala sa show niyo. YUN LANG PO.”

Bukas ang panig ng MPK sa pahayag ni Aika. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.