Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni Heart pinagselosan ni Chiz

0 1,154

NI: VINIA VIVAR

Naaliw kami sa Instagram Live ni Heart Evangelista last Sunday dahil ang dami niyang kwento. Nasa mood ang aktres na magdadaldal sa kanyang 6.4 million followers habang hinihintay daw niya ang pagdating ng ingredients ng kanyang lulutuin.

Nasa bahay sila ng asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Sorsogon habang nagla-live siya at sumali-sali rin ang mister sa diskusyon. Sinagot nila ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relasyon.

May nagtanong kung paano sila naga-argue na mag-asawa at sambit ni Heart, “My God!”

Ayon sa aktres, kadalasan ay quiet siya pero may time na pumapatol din talaga siya sa asawa.

“I have to be strong, and I have to put my foot down and I have to really say my opinion and argue,” she said.

Pero talaga raw magaling ang asawa at hindi siya nananalo.

Related Posts

“Pero ang pinaka-hate niya, wino-walk-out-an ko siya and so, that’s what I do, wino-walk-out-tan ko siya,” aniya habang palakad-lakad na natatawa si Gov. Chiz sa likuran niya.

May nagtanong din kung super-seloso ba si Governor at ani Heart ay hindi naman daw super.

“In fact, he allows me to do my kissing scenes and it doesn’t bother him. He’s so totally open. May mga moments lang siya,” sey ni Heart at ikinuwento na nga ‘yung insidente na minsang nagselos ang mister sa kanyang ex-boyfriend.

“One time, mayroon siyang ginawa sa akin, ‘yung ex-boyfriend ko, nasa cover ng magazine. Nun’g matutulog ako, nun’g pagganu’n ko ng unan ko, ‘ano ‘tong matigas na ‘to?’ Pagtingin ko, nandu’n (ang magazine), sabi ko, ‘hayup ‘to!’”

Tawa naman ng tawa si Gov at sambit niya, “ang tagal na nu’n.”

Sagot naman ni Heart, “I never forgot that!”

Bagama’t ‘di na sinabi ni Heart kung sino ang ex, it’s either Jericho Rosales and Daniel Matsunaga lang naman.

Anyway, sa nasabing live session ay nakita ng lahat kung gaano kaganda ang relasyon nina Heart and Chiz bilang mag-asawa dahil panay ang asaran at biruan nila but at the same time ay may respeto sa isa’t isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.