Abante Tonite Interactive

Ex ni James imbudo kay Nadine

304

tonite-imo-vinia-vivarMay bagong pasaring ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villong­co na kahit hindi naman niya tinukoy si Nadine Lustre, obvious na ang aktres ang kanyang pinatatamaan.

Sa Instagram Story ni Ericka last Wednesday, inalmahan niya ang isang netizen na nag-comment ng “F*ck your fake b00bs bitch!!!”

Sagot ni Ericka, “would ­rather have fake boobs than a fake personality.”

May isa namang netizen ang nagpahayag ng suporta sa kanya at komento nito, “yeah. Fake boobs that you are proud of. And it’s totally your choice, your money. At least everything from your head to toe are your choices and original ideas from you. Not just copying someone else’s. Sure some thinks you’re trying to copy Kylie Jenner. And I’m like, who doesn’t? You go, girl!”

Sinagot ito ni Ericka at aminado naman siyang ginagaya niya si Kylie, an American model/TV personality pero the thing is, hindi naman daw ito ex-girlfriend ng kanyang boyfriend.

“I love kylie too!!! I have several different Instagram models I look up to & copy myself but Kylie isn’t my boyfriends ex-gf. If people think I’m doing this for the fame please note, pep approached me & I’m just out here saying my peace. Everyone deserves to express themselves.

“I would never trade the live I live, my privacy, freedom and happiness for fame, money or anything for that matter,” ang makahulugang sagot ni Ericka.

Obviously, ang ex-GF na tinutukoy niya ay siya since dati nga silang magkarelasyon ni James. At sino ba ang boyfriend ni Nadine ngayon? So, alam na, ‘di ba naman?

Besides, umamin na rin naman si Ericka sa panayam niya sa PEP na talagang si Nadine ang pinariringgan niya sa kanyang recent post na naging kontrobersyal na tungkol nga sa panggagaya sa kanya.

Well, sa totoo lang, hindi namin ma-gets kung bakit nanggagalaiti si Ericka kay Nadine if ever mang totoo na ginagaya siya. ­Kahit pa nga ba sabihing ex-GF siya, matagal na naman na silang wala ni James at mukha namang masaya na siya sa life niya.

Pero may punto rin naman siya na she’s just expressing what she feels at wala naman talagang masama do’n. Ang kuwestyonable nga lang ay kung ano ba talaga ang ikinaiinis niya sa panggagaya sa kanya. Hindi ba dapat nga ay matuwa pa siya?

Anyway, ano kaya ang reaksyon ni Nadine tungkol dito?