Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni mam timbog sa sextortion

0 96

Ni Nancy Carvajal

Isang security guard na umano’y nangba-blackmail ng isang grade school teacher kapalit ng pera at seksuwal na aktibidad ang dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng isang motel sa Guadalupe, Martes ng hapon.

Kinilala ng NBI-Special Action Unit ang sikyo na si Cyril Masambay na inaresto sa isang entrapment operation sa pakikipagtulungan ng biktima. Nabatid na ang sikyo ay ex-boyfriend ng biktima.

Ayon sa guro, patuloy ang suspek sa pagpapadala ng mga hubad na larawan at sexual act na may mukha niya sa layong mapahiya ang nauna.

Pinadala aniya ng sikyo ang mga ‘dinoktor na larawan’ sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kapwa guro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag ng biktima, sa una ay pinagbigyan niya ang panghuhuthot ni Masambay sa pag-asang tatantanan na siya nito.

“Hindi ko na kaya ‘yong pambabastos niya at pang-extort niya at pananakot,” sambit ng biktima sa isang panayam.

Ayon pa sa guro, bukod sa pera ay sige ang pagpupumilit ni Masambay sa mga seksuwal na hiling at patuloy umano ito sa pananakot ng pisikal na kapahamakan kapag hindi pinagbigyan.

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek sa NBI jail at kinasuhan na ng robbery, grave threats at violence against women and children.

Leave A Reply

Your email address will not be published.