Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex ni misis minartilyo, mister dinedo

0 97

PATAY ang isang mister nang barilin ng dating kalaguyo ng kanyang asawa sa Pototan, Iloilo.

Sa report, nangyari ito Martes ng gabi, habang nanonood ng telebisyon ang 44-anyos na biktima na isang magsasaka.

Kasama pa niya ang 13-anyos na anak nang mangyari ang pamamaril.

Sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Dawis ito nangyari.

Sa imbestigasyon nakarinig ang biktima ng pagkahol ng aso kaya sumilip ito sa bakuran.

Nang buksan ang pintuan ay binaril ito ng suspek saka tumakas.

Itinakbo ang biktima sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival. Tama ng bala sa leeg ang ikinamatay nito.

Nabatid na noong 2019, minartilyo ng biktima ang suspek nang matuklasan ang relasyon nito sa kanyang asawa. Nagkaayos naman ang suspek at biktima pero rumesbak pa rin ito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.