Abante Tonite Interactive

EX NINA EDU AT LUIS, WAGI SA EDDYS

119

WALEY: Nasaan na ang mga artistang nagsipagwagi sa unang Eddys (Entertainment Editors’ Awards)?

Ganu’n na ba ang kultura sa atin na kapag hindi siguradong magwawagi ay hindi na lang a-attend ng awards night?

O sampu-sampera na kasi ang mga nagbibi­gay ng awards kaya hindi na nabibigyan ng tamang pagpapahalaga ang mga ito?

Tama ang kapatid natin sa panulat na nagsabing sa panahong ang ibang mga artista ay dinadayo pa ang kung saan-saang eskuwelahan para lang sa mga kung anong mga parangal, nasaan sila sa parangal ng ating mga iginagalang na editors?

Mareremedyuhan si­guro ‘yan sa editing at puwede pa ring maghabol ng mga video thank you messages ang mga nagsipagwagi.

Ang tanong — gaano ba ka-relevant ang awards sa panahong ang dami nang nagbibigay ng parangal?

It might be a good move towards audience education and development from our editors na maipaliwanag ang choi­ces nila sa kanilang pa­nulat (which is their core competence anyway) like kung bakit mas matimbang ang panalo halimbawa ni Angel

Locsin (Everything About Her) over Barbie Forteza (Tuos). Or maganda sigurong malaman ng mga fans ni Ate Vi (at ni Ate Vi mismo) ang lamang niya over the Cannes award winning performance of Jac­lyn Jose sa Ma’ Rosa o ang Venice enchantment kay Charo Santos sa best picture na Ang Babaeng Humayo at ng International Award winner na kapapanganak lang na si Hasmine Killip ng Pa­milya Ordinaryo.

It’s a matter of taste and I respect that but I believe in our editors’ power of words to push the envelope and educate para mas maging makabuluhan at kakaiba ang awarding nila.

***

Edu Manzano at Luis Manzano
Edu Manzano at Luis Manzano

In fairness, walang advance leaks sa mga nagwagi. Kaya ba wala ring winners na si­guristang dumalo?

Ang best actress na si Vilma Santos (Everything About Her), nagbabakasyon sa ibang bansa.

Sa Hulyo 17 pa ang uwi niya sa Pilipinas.
Ang tumanggap ng award ni Vilma ay ang anak na si Luis Manzano.

Ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang nag-host ng Eddys.

Ang sabi ni Angel Locsin sa Instagram, “Mara­ming salamat po sa laha­t ng bumubuo ng Eddys Award! Pasensya na po hindi ako po ang nakadalo at may family matter lang pong kailangan ayusin…

“I want to thank those who are responsible for this recognition. First, our napakahusay na direktor, Binibining Joyce Bernal — direk sa­lamaaaat. If it wasn’t for her, hindi ko magagawa si Jaica 🙂

“Second, to my Star Cinema fam, most especially to our boss, Tita Malou Santos.

“3rd, to all my fellow actors. Thank you Xian Lim, ang Albert ko; and of course sa nag-iisang Ms. Vilma Santos na walang ka-kupas kupas, sa lahat ng sumuporta at bumubuo ng EVERYTHING ABOUT HER, technical, editing, promo, creatives, production, utility, art dept., wardrobe, stylist, make up artists, etc. At sa lahat ng mga tumangkilik. MARAMING SA­LAMAT :)”

Ex-GF ni Luis si Angel, at ex-wife ni Edu si Vilma.

***

Ang best actor sa Eddys ay si Paolo Balleste­ros (Die Beautiful), at ang best supporting acto­r ay si John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo).

Post ni Paolo kahapon sa Instagram, “Wooooh!!!! Good mor­neng! Maraming Salamat sa Society of Philippine Entertainment Editors para sa pagkilala at para sa napakaraming pagkakataon na pagsuporta bilang host ng Eat Bulaga, bilang actor/tress hehe, hanggang sa buong pro­seso ng pagbuo ng DIE BEAUTIFUL! Congrats sateng lahat!”

Best picture ang Ang Babaeng Humayo, at best director ang nagdirek nito na si Lav Diaz.
Ang best screenplay ay nakamit ng Everything About Her.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.