Abante Tonite Interactive

Ex-PBB housemate Franki nagpaharurot

488

Matapos tumira sa ‘Bahay ni Kuya,’ bagong karera naman ngayon ang pinasok ni dating Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Ito ay nang makilahok ito sa isang karerahan sa Batangas ang 25-anyos na modelong tubong New Zealand.

Sa ulat ng morning news show na ‘Umagang Kay Ganda’ ng ABS-CBN, inamin ng dating housemate ang na-experience niya sa car racing.

Kuwento ng magandang dalaga, sa bilis aniya ng takbo ng mga pangkarerang kotse ay muntik na siyang mahimatay.

Sa lahat din aniya ng na-experience niya sa buhay, bagama’t cool at napakasayang maki­pagkarera at ito rin ang pinakanakakatakot niyang karanasan.

Sa kabila ng magkakahalong naramdaman, makikita sa kanyang Ins­tagram ni @missfranki, na happy siya sinabakang karera. (Aivan Episcope)