Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-PNP General bagong presidente ng CDC

0 79

Hinirang ni Presidente Rodrigo Duterte si retired Police General Manuel Gaerlan para pamunuan ang state-run Clark Development Corporation.

Sa isang memorandum na pinadala kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa CDC board of directors, itinalaga ng Pangulo si Gaerlan para upuan ang nabakanteng posisyon bilang CDC president at Chief Executive Director na iniwanan ni Noel Manankil noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Si Gaerlan ay nagtapos sa Philipine Military Academy noong 1985 at nagretiro sa serbisyo noong 2018.

Bago siya magretiro, hinawakan ni Gaerlan ang Davao Police Regional Office.

Si Gaerlan ay nagsilbing miyembro ng CDC Board of Director nokng July 2018 hanggang June 2019.

Naging commander din si Gaerlan ng Police Regional Office Mobile Force Group noong siya ay colonel pa lamang bago malipat bilang provincial director ng Bataan at Pampanga.

Nakatakda itong manumpa bilang bagong Preaidente at Chief Executice Director ng CDC sa Enero 14, 2021. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.