Abante Tonite Interactive

Ex-Pope Benedict tutol sa may asawang pari

0 344

Binasag na ni da­ting Pope Benedict XVI ang kanyang katahimikan kaugnay sa rekomendasyon na payagan na maging pari ang mga la­laking may asawa.

Kasabay ng kanyang rekomendasyon kay Pope Francis na huwag buksan ang priesthood sa mga may asawang lalaki.

Sa kanyang plea, bilang depensa sa clerical celibacy sa librong isinulat ni arch-conservative Cardinal Robert Sa­rah, kung saan nailathala na rin bilang ekslusibo ng France’s Le Figaro.

“I cannot keep silent!”ayon sa kanyang isinulat sa libro na sinundan naman ng pakiki­pagpulong sa mga bi­shop mula sa Amazonian sa Vatican noong nakalipas na taon.

Ayon kay Pope Benedict, 92, at kay Sarah mula sa Guinea, tinimbang niyang mabuti kung dapat payagan ang ‘viri probati’ o lalaking may asawa na makapasok sa pagpapari.

Nabatid na ang pag­lahok sa priesthood ng mga may asawang lalaki ay ikinukunsidera ni Pope Francis sa mga liblib na lugar gaya ng Amazon na bihirang magdaos ng misa dahil sa kawalan ng pari at inaasahan ang kanyang desisyon sa mga susunod na linggo.

Igniit nila Pope Benedict na hindi dapat mata­ngay ang Simbahang Katolika sa tinawag niyang ‘bad pleas, theatrics, diabolical lies, fashionable errors’ na gusto lamang na mawala ang respeto sa ‘priestly celibacy’.

“It is urgent, necessary, that everyone, bi­shops, priests and laity, let themselves be gui­ded once more by faith as they look upon the Church and on priestly celibacy that protects her mystery,” ayon pa kay dating Pope Benedict.

Labis na ikinagulat ng Vatican ang naging pahayag ng retiradong Santo Papa sa isang sensitibong isyu. (Juliet de Loza-Cudia)