Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-prof sumalpok sa barrier, dyip

0 63

NASAWI ang isang retiradong professor nang bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isang concrete barrier at bumangga pa sa isang owner type jeep sa Bacoor City, Cavite.

Unang sinugod sa Las Pinas District Hospital saka inilipat sa dalawa pang ospital bago dineklarang dead on arrival sa Metro South Hospital si Roberto Digal Paganoron, 66, may-asawa, ng 75 Esmeralda St., Citihome, Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilala naman ang binangga nitong owner type jeep na minamaneho ni Rommel Lozada, 46, at pasaherong si Lucila Ballester, 56, kapwa taga-Block Lot 38, Brgy Salawag, Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni Patrolman Jerome Asid, ng Bacoor City Police Station, kapwa bumabagtas ang dalawang sasakyan sa Molino-Paliparan Road kung saan si Ballester ay patungong Dasmarinas City habang ang biktima ay patungo sa Molino dakong ala-1:40 ng madaling araw.

Pagsapit sa Brgy. Molino 3 ng naturang Lungsod ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima at tumama ang sasakyan nito sa isang concreate barrier bago bumangga sa kasalubong na owner type jeep na minamaneho ni Lozada. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.